AFP tumanggap ng higit $2.3M halaga ng equipment grant mula US

AFP tumanggap ng higit $2.3M halaga ng equipment grant mula US

May 3, 2022 @ 4:40 PM 2 months ago


PAMPANGA – Tumanggap ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng higit $2.3 milyong halaga ng equipment grants mula sa Estados Unidos.

Ayon sa AFP, kahapon, Mayo 2 nang matanggap nila ang iba’t ibang defense equipment sa Haribon Terminal, Clark Air Base sa Pampanga lulan ng US KC-10A aircraft.

Kinuha ng Philippine Air Force ang Laser Designation Systems Forward Air Controller, Air Field Operations and Logistics Support, Defense Advanced GPS Receiver, C-130 Spares, at Precision Guided Munition Tool Kits.

Napunta sa Philippine Army ang Tactical Network Rover at iba pang support equipment, habang iba’t ibang Weapon Support Equipment naman sa Philippine Navy.

_

Ang mga kagamitan ay ibinigay sa ilalim ng US Counter-Terrorism (CT) at Foreign Military Financing (FMF) Programs, na bahagi ng patuloy nap ag-asiste ng US government sa AFP para sa capability upgrade program nito kaugnay ng Philippines -US Military Assistance Agreement of 1947.

“The AFP continues to make great strides in strengthening our counter-terrorism capabilities with new and modern equipment such as the latest grants from the United States,” ani AFP Chief of Staff General Andres Centino. RNT/ JCM