AFP umaaksyo na sa ‘unclosed bank accounts’ na sinita ng COA

AFP umaaksyo na sa ‘unclosed bank accounts’ na sinita ng COA

July 14, 2021 @ 12:10 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Inaaksyunan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang isyu sa 20 ‘unclosed bank accounts’ na sinita ng Commission on Audit (COA).

Sinabi ng AFP na ang naturang 20 bank account na may book balance na P1,812,797,567.87 ay hawak ng ilang banko.

Nakalaan ito para sa AFP Modernization Act Trust Fund-Central Office (AFPMATF), AFP Educational Benefit System Office (AFPEBSO), AFP Real Estate Office (AFPREO), at General Headquarters Central Office (GHQ-CO).

Para sa AFPMATF, may tatlo itong account na awtorisado ng Permanent Committee at nai-remit ang P62,386,689.47 sa Bureau of Treasury noong Setyembre 3, 2020 hanggang  February 3, 2021.

Iniulat na dalawang account din ang walang laman dahil sa naibigay na ang balanse nito sa BTr.

Sinabing isasara rin ang dalawa pa oras na makumpleto ang ongoing modernization projects na nagkakahalaga ng P1,228,540,484.00.

“The amount is earmarked as payment for ongoing projects and in accordance with the Government Procurement Reform Act which will be disbursed as soon as requirements are sufficiently met.”

“The Office deemed that it is the best set-up for prompt and timely delivery of financial assistance to its grantees who are dependents of soldiers killed-in-action or incapacitated in line of duty,” dagdag pa ng AFP.

 “For the other accounts, the AFP will submit a status report within the time allotted by COA detailing the result of actions taken.”

Nagpapasalamat naman ang AFP sa COA sa pagpepresenta ng audit findings sa organisasyon.

“We are mindful about the zero-tolerance of the President on corruption that is why we are careful with regard to the processes that we undertake.”

“This is also to assure our stakeholders on the AFP’s transparent and judicious use of tax payers’ money as it continually partners with COA to further improve fiscal management,” panig pa ng pamunuan. RNT/FGDC