AFP: Walang banta sa seguridad kasunod ng pagpanaw ni Sison

AFP: Walang banta sa seguridad kasunod ng pagpanaw ni Sison

December 18, 2022 @ 4:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Walang nakikitang paparating na banta sa seguridad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng pagpanaw ng founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria “Joma” Sison, na nasa self-exile sa Netherlands, sa edad 83.

“Sa ngayon, wala naman kaming nakikitang problema or pangamba dahil sa pagkamatay ni Joma,” AFP acting spokesperson Colonel Medel Aguilar

“In fact, tuloy-tuloy ‘yung pagbaba ng bilang ng kanilang mga kasapi at saka mga supporters. Patuloy din na bumabalik loob ‘yung kanilang mga armadong… ‘yung mga combatants nila tsaka ‘yung mga supporters nila, ‘yung mass bases and even some members of the underground mass organizations. Ito ay magandang indication,” dagdag na wika nito.

Ayon pa kay Aguilar, ang pagkamatay ni Sison ay maaaring makapagbigay ng kapayapaan sa bansa habang patuloy naman ang ginagawa ng gobyerno sa pagsusulong ng peace talks sa community level.

Sa ulat, pumanaw na si Joma Sison. Kasabay ng kanyang pagpanaw ang katapusan at pagkamatay ng baluktot na ideolohiya ng terorismo, karahasan, pananakot, pagpapabagsak sa kaayusang panlipunan, at destabilisasyon na ilang dekada na niyang pinamunuan at pinalaganap.

Sa pagpanaw ni Sison, muling nananawagan ang NTF-ELCAC sa lahat ng mga kahanay at kaalyado ng kanyang kilusan na iwan na ang marahas at armadong pakikibaka, mag balik-loob at suportahan ang isang mapayapang lipunan, at mamuhay nang matiwasay at naaayon sa batas.

“Ang yugtong ito ay nagbibigay oportunidad sa ating mga Pilipino na magkasundo, magkaisa, maghilom, at magsama-samang tuldukan at wakasan na ang paulit-ulit na siklo ng karahasan at pananakot na ilang dekada nang nagdulot ng pighati at malubhang sugat sa ating Bayan at lipunan,” ayon sa NTF-ELCAC. Kris Jose