After  Celine Dion, baka  susunod  si Barbra Streisand

After  Celine Dion, baka  susunod  si Barbra Streisand

July 31, 2018 @ 7:32 PM 4 years ago


Solved na solved ang mga Pinoy na nanood ng concert ni Celine Dion a few nights back. Kahit medyo umuulan that evening pero napuno ang venue. Although aminado ang producer nito na si Joed Serrano na talagang na-stress siya bago ang concert mabuti na lang at mga taong  tumulong sa kanya at nagligtas sa kanya para mapahamak at hindi masira ang image niya sa mga international performer.

Pero sa aking nakita sa mga videos na in-upload ng mga nanood, mukhang panalo si Joed huh! Punumpuno ang MOA Arena lalo na during the first night at maging yung sa sumunod na gabi ay okey pa rin ang attendance.

Talagang hawak pa rin ni Joed Serrano ang title bilang international show promoter/producer.

Ito na talaga ang ginawang career ni Joed at ang dami na niyang pinag-concert na international artists sa Pilipinas.

At sino kaya ang kanyang napipisil na ipo-prodyus ng concert na international singer dito sa Pilipinas?

May nauulinigan ako na si Barbara Streisand raw.

Aba oo naman, sikat na sikat pa rin naman hanggang ngayon si Barbara Streisand.

All time favorite ko na kanta ni Barbara Streisand ay ang Evergreen.

Teka, may duet nga pala sina Celine at Barbra at ito ay ang kantang “Tell Him” na kinakanta ko noong  araw sa mga  videoke machine noong mga panahon na maganda pa ang aking falsetto. – TIMMYDORA ni DTIMMY BASIL