Aga, at home sa bagong bahay, sandamakmak ang pasabog!

Aga, at home sa bagong bahay, sandamakmak ang pasabog!

October 19, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines- Mukhang at home na ang aktor na si Aga Muhlach sa bago niyang “bahay,” ang NET25.

From ABS-CBN kung saan naging “bahay” din ito ni Aga for countless of years, ngayon ay lagi siyang nae-excite with Net25’s offering.

FYI, nasa third season na ang show ni Aga sa Net25, ang Tara Game, Agad-Agad. Pinapalabas ito every Sunday at 7 PM.

“Alam niyo naman kung gaano ko kamahal yung Tara Game, Agad-Agad. It’s been my favorite since we started the show,” sabi pa ni Aga.

Ang Tara Game, Agad-Agad ay isang quiz-type game show at aminado naman ang aktor na na-miss niya ang mag-host ng ganitong klaseng show.

Mas lalo namang natuwa si Aga dahil this time, makakasama ng kanyang programa ang mga ordinary people on the street na magdyo-join sa game.

‘We’re also excited, kasi mas malaki yung papremyo namin,” Aga Muhlach remarked.

Sa new season ay makakasama ni Aga ang Filipino-Japanese social media star, Yukii Takahashi at si Daiana Menezes.

Full support naman ang binibigay ng asawa niyang si Charlene Gonzales sa venture na itoni Aga. JP Ignacio