Aga, bibida teleserye!

Aga, bibida teleserye!

June 30, 2022 @ 10:37 AM 1 month ago


Manila, Philippines- For the first time in his showbiz career, sasabak na rin ang award-winning actor na si Aga Muhlach sa paggawa ng teleserye na mapapanood sa TV5.

Ito ay masaya niyang ibinalita sa kanyang Instagram account.

“It took me years to decide on doing my first ever serye. To cut the long story short, it’s happening. My first!” aniya. “We’ve been doing all the grind the past months and we continue to do so. Let me first thank Project 8 for coming up with this project with me on their minds. Cignal and TV5, the entire cast and staff and crew, and everyone involved sa aming malaking proyektong ito,” dugtong niya.

Ayon din sa post ng actor, ang seryeng may titulong Suntok Sa Buwan ang kauna-unahang movie series na mapapanood sa telebisyon.

Sa serye, gagampanan niya ang papel ng isang boxing coach.

Pagbibidahan din ito nina Maris Racal at Elijah Canlas at iproprodyus ng tandem nina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

Sa telebisyon, nalinya noon si Aga sa paggawa ng mga sitcom tulad ng Oki Doki Doc, OK,Fine, Whatever, Ok Fine ‘To ang Gusto Nyo, Ok Fine, Oh, Yes at  That’s My Doc. Archie Liao