Aga, gaganap na PBBM sa Mabuhay Aloha, Mabuhay!

Aga, gaganap na PBBM sa Mabuhay Aloha, Mabuhay!

March 1, 2023 @ 6:00 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Nauna nang maipalabas ang Maid in Malacañang.

Sinundan ito ng Martyr or Murderer na nag-showing nitong March 1.

And to live up to the words which begin with the letter M in the title, ang Part 3 ng pelikulang ito ni direk Darryl Yap ay may letrang M sa pamagat.

Ang ikatlong installment ng kontrobersyal na pelikula ay pinamagatang Mabuhay Aloha Mabuhay.

But unlike MiM and MoM kung saan si Diego Loyzaga ang gumanap bilang Ferdinand Marcos Jr. o Bongbong, to play BBM is Aga Muhlach.

Apparretly, MaM follows the story of the Marcoses na napiling mag-exile sa Hawaii when the strongman was ousted by virtue of the EDSA People’s Revolt.

Obyus ang itatakbo ng kuwento nito dahil sa salitang Aloha sa pamagat.

Ito ang patikim na rebelasyon sa premiere night ng MoM.

Tiyak na bukod sa aabangan ang Part 3 ay siguradong aani na naman ng sandamakmak na kritisismo si direk Darryl dahil sa nilalaman nito.

Inaasahan naman ng mga manonood na sa MaM na magtatapos ang kuwentong Marcos dahil after all, nakabalik na uli sa pulitika ang ilang miyembro ng angkan.

Expected ding mula sa third person reference being Senator Imee Marcos magmumula ang narrative input nito na isasalin sa pelikula ni Darryl.

Kung sakali, ito ang kauna-unahang pagkakataon ni Aga na gumanap bilang pulitiko sa loob ng maraming taong pamamalagi sa showbiz.

Isa sa mga tanong ng marami ay kung bakit hindi na si Diego ang magbibigay-buhay sa karakter ni BBM.

Sinu-sino rin sa original cast members ang mare-retain, sina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez pa rin ba?

May tumapat kayang pelikula sa MaM na gawa ng kabilang kampo?

Gumawa rin kaya ng record sa takilya kung si Aga ang bida?

Matatandaang naging top-grossing film sa Metro Manila Film Festival years ago ang Filipino adaptation ng Korean movie na Miracle in Cell No. 7 ni Aga.

Ma-duplicate kaya ‘yon ng asawa ni Charlene Gonzales?

Abangan! Ronnie Carrasco III