Agad na pagresolba sa kahirapan sa Pinas siniguro ni PBBM

Agad na pagresolba sa kahirapan sa Pinas siniguro ni PBBM

August 4, 2022 @ 9:11 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tututukan agad ng pansin ng administrasyong Marcos ang poverty reduction efforts ng Pilipinas.

Ito ang siniguro ng Malakanyang matapos mapaulat na may 12.2 milyong Pilipono ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap sa mga huling buwan ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey.

Sa ulat, isinagawa ang nationwide survey mula Hunyo 26 hanggang 29 –ang huling linggo ng administrasyong Duterte– kung saan makikita na 48% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing mahirap sila.

Tinatayang aabot ito sa 12.2 milyon katao. Mas mataas ito kumpara sa 10.9 milyon o 43% noong Abril.

Halos 31% ng 1,500 respondents sa face-to-face interviews ang nagsabing itinuturing nila ang kanilang sariling borderline poor.

Ang natitirang 21% ay itinuturing ang kanilang sarili na “not poor” o hindi mahirap.
Makikita sa SWS survey na tumaas ang bilang ng mahihirap na pamilya sa Metro Manila, balance Luzon (mga lugar sa labas ng Metro Manila), Visayas at Mindanao.

Napag-alaman na 34% ng Filipino families ang itinuturing ang kanilang sarili na “food-poor” o may kakulangan sa pagkain, habang 40% ang naramdaman na sila ay “borderline food-poor.”

Ang natitirang 26% ay nagsabing sila ay “not food-poor.”

Tinukoy naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang first State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 25 na ibaba ang kahirapan ng 9% o single-digit poverty rate sa 2028.

“Ayon doon sa SONA ng ating Pangulo, mayroon tayong puntirya that by 2028 ma-reduce natin to single digit ang ating poverty levels, so tuluy-tuloy pa rin iyo,” ayon kay Cruz-Angeles.

Mas maitutulak pa aniya ng SWS survey results ang pamahalaan na itaas ang panumuhay ng mga Filipino at iahon ang mga ito sa kahirapan.

“This makes the matter more urgent at mas malupit nating tututukan ang pagbuwag ng poverty levels dito sa Pilipinas. So, at least ma-diminish natin to single digit levels,” ayon kay Cruz-Angeles.

“Ating pagpapalakas ng agrikultura, pagpapalakas ng ekonomiya natin – lahat po iyon ay makakatulong para mapuntirya natin itong levels ng poverty dito sa Pilipinas,” aniya pa rin. Kris Jose