Agaton humina; Signal No. 1 nananatili sa 11 lugar

Agaton humina; Signal No. 1 nananatili sa 11 lugar

April 11, 2022 @ 8:46 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Humina na ang Tropical Storm Agaton (international name: Megi) sa tropical depression habang nananatili naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa 11 lugar sa bansa, ayon sa PAGASA.

Ayon sa state weather bureau PAGASA, nakataas ang mga sumusunod na lugar sa Signal No. 1:

  • Timog na bahagi ng Masbate (Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, Cawayan);

  • Eastern Samar;

  • Samar;

  • Northern Samar;

  • Biliran;

  • Leyte;

  • Southern Leyte;

  • Hilagang-silangang bahagi ng Cebu (Daanbantayan, San Remigio, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) including Camotes Island;

  • Silangang bahagi ng Bohol (Getafe, Talibon, Bien Unido, Trinidad, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Mabini);

  • Surigao del Norte; at

  • Dinagat Islands.

 Hanggang kaninang alas-7 ng umaga, ang mata ng bagyo ay tinatayang nasa 11.1°N, 125.1°E sa karagatan ng Tanauan, Leyte.

Mayroon itong maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa gitna, gustiness ng hanggang 75 km/h, at central pressure na 1000 hPa.

Ayon sa PAGASA, patungo si Agatib sa north northwestwards.

Nag-landfall ang bagyo sa Calicoan Island sa Guiuan nitong Linggo, alas-7:30 ng umaga. RNT/SA