Agnas na bangkay, iniluwa ng ilog Pasig

Agnas na bangkay, iniluwa ng ilog Pasig

August 4, 2018 @ 3:40 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Napadpad sa gilid ng ilog Pasig, ang isang naaagnas na bangkay ng isang lalaki, na hinihinalang nalunod, nang tangayin ng malakas na alon sakop ng Binondo, Manila, iniulat ng pulisya.

Inilarawan lamang sa edad 44 hanggang 45 ang biktima; nasa 5’5 hanggang 5’7 ang taas; maputi; balingkinitan; kalbo; nakasuot ng kulay dilaw na sweatshirt at maong na pantalon.

Batay sa ulat ni Det. John Bucad ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 10:30 ng umaga nitong Biyernes nang mamataan ng isang Armando Panganiban, 58, river warrior, ang lulutang-lutang na bangkay sa tapat ng Muelle de Binondo malapit sa panulukan ng Dasmariñas St., sa Binondo.

Mabilis na humingi ng tulong si Panganiban sa isang Ramonito Bitgue, 29, bach hoe operator, sa pag-ahon nila sa bangkay bago ini-report sa pulisya.

Walang sinumang nakakilala sa lalaki sa lugar na inilagak pansamantala sa Archangel Funeral morgue para sa pagkakilanlan dito.

Inaalam pa kung inanod lamang sa lugar ang lalaki na wala namang nakitang anumang sugat nito sa katawan, pero malaking ang hinalang naliunod at naadpad lamang sa lugar ang biktima. (Rene Crisostomo/Revia Mae Sibal)