Agot, ipinagdiinang ‘di pa sya laos!

Agot, ipinagdiinang ‘di pa sya laos!

December 9, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – In a way ay parang sumasang-ayon si Agot Isidro sa tinuran ni Matet de Leon bilang resbak sa nagsabi sa social media na laos na siya.

Nagpapapansin daw kasi si Matet sa ginawang pang-aaway sa kanyang adoptive mom na si Nora Aunor.

Buwelta ni Matet, hindi raw nalalaos ang mga supporting actors tulad niya, kundi mga bida.

Agot shares the same perspective.

Hindi pa raw siya laos dahil may trabaho siya.

In fact, the outspoken actress is cast in a Metro Manila Film Festival entry.

Truth be told, ang pagkakaroon niya ng trabaho at mapagkalingang pamilya ang pangunahing dahilan why she scrapped the idea of staying abroad para mamuhay.

Hindi itinago ng aktres ang kanyang frustration nang matalo sa pagka-Pangulo ang sinuportahan niyang kandidato, si dating VP Leni Robredo.

Inisip niya raw na mag-settle na lang sa ibang bansa.

Pero dahil nanaig daw ang rule of majority ay nakuha nang tanggapin ‘yon ni Agot.

‘Yun nga lang, umaasa siyang may magandang kinabukasang naghihintay sa mga kapwa niya Pilipino.

Back to Matet, ang hindi lang sang-ayon si Agot ay ang nangyayaring sigalot involving her and Nora.

Yaman din lang daw na isang family matter ‘yon, mangyaring pag-usapan na lang ang problema in private.

Katwiran ni Agot, wala raw ibang makikinabang sa mga ganoong family issues kundi ang mga netizens na wala naman daw maiaambag na solusyon.

May point. Ronnie Carrasco III