Agrarian reform beneficiaries, wala nang babayarang utang – Villar

Agrarian reform beneficiaries, wala nang babayarang utang – Villar

March 7, 2023 @ 1:13 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Senador Cynthia Villar na inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas upang hindi na magbayad ng pagkakautang ang lahat ng magsasaka at agrarian reform beneficiaries.

Sa pahayag, sinabi ni Villar, chairman ng Senate committee on agriculture and agrarian reform na nakatakda sa Senate Bill No. 1850 na hindi na kailangang magbayad ng utang at interes ang nabigyan sakahang lupa sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program noong December 31, 2022.

“Many farmers who were beneficiaries of the agrarian reform program have been waiting for their titles but they have been saddled by issues on how to pay their loans’ annual amortization, interests, including penalties and surcharges, which hinder their full ownership over their land. Without land in their name, these farmers cannot access credit as they lack collateral to secure the same,” ayon kay Sen. Cynthia Villar, chairperson ng Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform, at principal sponsor ng bill.

Kapag naisabatas, mawawala ang ₱57.5 billion principal ng 610,054 ARBs na nagsasaka sa 1,173,101.57 ektarya ng agrarian reform lands.

Mawawala na rin ang principal loan na ₱14.5 billion ng 263,622 ARBs na nagsasaka sa 409,206.91 ektarya ng agrarian reform lands.

Naisumite na ng Land Bank of the Philippines (LBP) sa Kongreso ang pangalan at iba pang detalye ng utang ng mga ito.

Mapapasama ang natitirang ₱43.057 billion utang kapag naisumite ng LBP at Department of Agrarian Reform (DAR) ang detalye ng pagkakautang sa pamahalaan ng 346,432 ARBs na sumasaka sa 763,894.66 ektarya ng agrarian reform lands.

“This bill seeks to help alleviate the plight of ARBs, who are farmers; for them to recover and overcome the fallout of the COVID-19 crisis, the devastating African swine fever, the ongoing avian influenza, the increasing cost of fertilizer, fuel, and other farm inputs, and climate change,” sabi ni Villar.

Dagdag pa ni Villar, “condoning farmers’ amortization will provide them much-needed financial resources that shall help them develop their farms, increase their productivity, and advance an agriculture-driven economy, improve the lives and that of their families, reduce poverty, accelerate rural development and promote food security.”

Bilang co-sponsor ng bill, sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na ang pagpapakawala ng ARBs mula sa kanilang utang ay kailangan kung kailangan nating seryosong tugunan ang rural poverty at mapabuti ang buhay ng Filipino farmers.

“The passage of the bill shows how the Senate recognizes the urgency of addressing the concerns of the agriculture sector,” giit ni Villanueva.

“It is our hope that this important measure will help end the cyclical and generational poverty among our ARBs. The condonation of a total of P57.557 billion principal debt of 610,054 ARBs tilling a total of 1.17 million hectares shall emancipate them from debt burden and shall help them refocus their resources and energies instead to increasing their productivity and improving their lives,” ayon pa sa senador.

Co-sponsor at co-author din ng bill sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Sens. Sonny Angara, Francis Escudero, Imee Marcos, Maria Lourdes Nancy Binay, Ronald “Bato” Dela Rosa, Joseph Victor Ejercito, Jinggoy Estrada, Manuel “Lito” Lapid, Ramon “Bong” Revilla Jr, Christopher Lawrence Go, at Robin Padilla.

Kasabay nito, inaprubahan din ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act (Senate Bill No. 1604) na layong tugunan ang learning loss na dulot ng pandemya ng COVID-19.

Ipinanukala ni Senador Win Gatchalian ang ARAL Program upang mapaigting ang learning recovery at matugunan ang pinsalang dinulot ng pandemya ng COVID-19. Titiyakin ng programa na makatatanggap ang mga estudyante ng sapat na oras para sa pag-aaral, matututunan nila ang essential learning competencies, at makakahabol sila sa kanilang mga aralin.

Saklaw ng panukalang programa ang essential learning competencies sa ilalim ng Language at Mathematics para sa Grade 1 hanggang Grade 10, at Science mula Grade 3 hanggang Grade 10. Bibigyang prayoridad ng panukalang programa ang numeracy at pagbasa. Para sa mga mag-aaral ng kindergarten, tututukan ng ARAL Program ang mga dagdag kakayahang patatatagin ang kanilang numeracy at literacy competencies.

Bibigyang prayoridad ng ARAL program ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan na hindi nag-enroll simula School Year 2020-2021 at iyong mga hindi nakaabot sa minimum proficiency na kinakailangan sa Language, Mathematics, at Science. Maaari ring maging bahagi ng programa ang mga mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan.

Magsisilbing mga tutor sa ilalim ng ARAL Program ang mga guro at para-teachers. Maaari ring mag-boluntaryo bilang tutor ang mga kwalipikadong mag-aaral mula sa senior high school at kolehiyo. Para sa mga mag-aaral sa kolehiyo at senior high school na magsisilbing mga tutor, makatatanggap sila ng mga credits na katumbas ng Literacy Training Service sa ilalim ng National Service Training Program.

“Isang mahalagang hakbang ang pagpasa ng Senado sa ating panukalang ARAL Program upang mapaigiting ang pagbangon ng sektor ng edukasyon mula sa pinsalang idinulot ng pandemya ng COVID-19. Titiyakin nating makakahabol sa kanilang mga aralin ang ating mga mag-aaral,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education.

Batay sa simulation analysis ng World Bank para sa Pilipinas, bababa mula 7.5 taon hanggang 5.7 o maging hanggang 6.1 taon ang Learning Adjusted Years of Schooling. Ibig sabihin, magiging katumbas na lamang ng 5.7 hanggang 6.1 taon ang kalidad ng 12 taon ng basic education sa Pilipinas sa pagwawakas ng pandemya,.

Pinasalamatan naman ni Gatchalian ang mga co-author at mga co-sponsor ng panukalang batas: Senador Sonny Angara, Senador Cynthia Villar, Senador Jinggoy Estrada, Senador Robinhood Padilla, at Majority Leader Joel Villanueva. Ernie Reyes