Agri-cooperation sa bansa, target ng Israel

Agri-cooperation sa bansa, target ng Israel

October 2, 2022 @ 11:25 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Target ng mga Israel at mga kompanya nito na makipagtulungan sa bansa sa pagpapaunlad ng agrikultura at field security.

Ito ang sinabi ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss kasabay ng kanyang pagbisita sa 24th Davao Agri Trade Expo sa SMX Convention Center noong Biyernes, Setyembre 30.

Bago rito ay nakausap na ni Fluss si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa usapin ng agrikultura.

“He told me he visited Israel before and he had seen what Israel has done with agriculture and farming in the desert and he saw the best practices and the technologies we are implementing. The President asked me to do what I can to bring Israeli technology, Israeli practices, Israeli management to be implemented in the Philippines and to contribute to the productivity of the agriculture sector and food security in the country,” ani Fluss.

“My efforts as the Israeli ambassador to the Philippines, top priority is really agriculture, what we are doing today is we are part of the exhibition here Israeli companies representing technologies and practices and looking for opportunities to engage with Philippine counterparts both private sector and the government,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-usap na ito sa pamahalaan at pribadong sektor upang tingnan ang posibilidad ng pagpapaunlad ng industriya tulad ng biogas, dairy farming, hydroponics at drip irrigation sa bansa.

Malaking tulong rin umano sa Pilipinas ang kaalaman ng Israel na sa kabila ng kakulangan sa ulan at tuyong lupain ay maunlad pa rin ang industriya ng agrikultura sa kanilang bansa.

“I believe that if we share our practices and technologies that have to be adapted to the local culture, the local climate, it can contribute a lot to the productivity of the agricultural sector here in the Philippines.” RNT/JGC