Agri damage dulot ng masamang panahon, P885M na

Agri damage dulot ng masamang panahon, P885M na

January 26, 2023 @ 2:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinatayang umabot na sa P885 milyon ang pinsala sa agrikultura mula sa pinagsamang epekto ng weather systems simula Enero2.

Makikita sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may kabuuang P885,165,517.43 halaga ng production loss ang naitala sa Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa,Ā  Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga.

Mayroon namang 39,984 magsasaka at mangingsda ang apketado sa mga nasabing lugarĀ  dahil sa malakas na pag-ulan at pagbaha dala ng low pressure areas, shear line, at Northeast Monsoon o Amihan.

Iniulat din ng National Irrigation Administration na mayĀ  P25,610,000 ang halaga ng pinsala.

Samantala, dahil na rin sa masamang panahon, may P539,239,624.68 halaga ng pinsala sa 265 imprastraktura saĀ  Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Bangsamoro Region.

Sa pagtataya, ang halaga ng pinsala sa ibangĀ  assets gaya ngĀ  educational materials at electronics ay umabot sa halagang P45,329,951 para sa mga lugar na gaya ngĀ  Calabarzon, Mimaropa, at Bicol Region.

Umabot naman sa 39 katao ang namatay,Ā  habang limang indibiduwal ang nawawala.

Sinabi ngĀ  NDRRMC na mayĀ  1,955,741 katao o 479,052 pamilya ang apektado saĀ  2,565 barangays sa buong bansa.

Sa nasabing bilang,Ā  88,214 ang displacedĀ  na kataoĀ  o 21,465 pamilya ang nananatili sa 307 evacuation centers, habangĀ  27,705 katao o 8,353 pamilya ang nanunuluyan sa labas ng evacuation centers.

Mayroon dingĀ  1,847 bahay ang napinsalaĀ  na nagkakahalaga ngĀ  P3,726,000 dahil sa masamang panahon. Mayroon namangĀ  1,299 angĀ  partially damaged habang 548 ang totally damaged.

“Assistance worth P102,369,573.19 was provided to the victims, ” ayon sa NDRRMC.Ā Kris Jose