Agri damage kay ‘Karding’ pumalo na sa P3.077B – NDRRMC

Agri damage kay ‘Karding’ pumalo na sa P3.077B – NDRRMC

October 1, 2022 @ 3:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinatayang umabot na sa P3,076,968,120.04 ang pinsalang idinulot sa agrikultura ng bagyong Karding.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa kanilang situational report, ang pinsala sa ‘livestock, poultry, at fisheries’ ay umabot naman sa  P14,141,725.

May kabuuang 104,500.90 magsasaka at mangingisda ang  at 166,630.11 ektarya ng  pananim ang naapektuhan ng nasabing bagyo.

Nananatili naman sa 12 ang namatay habang lima pa rin ang nawawala at 52 naman ang sugatan.

Sinabi ng NDRRMC,  “247,016 families or 913,893 individuals were affected by the typhoon in seven regions, and 47,388 persons were displaced. Most of them sought shelter in evacuation centers.”

May kabuuang  57,080 kabahayan at 43 infrastructures (lansangan, eskuwelahan, utility services facilities at iba pa) ang nawasak.

“A total of P51,463,930.95 worth of assistance has so far been given by the Department of Social Welfare and Development, local government units, and nongovernment organizations,” ayon sa NDRRMC. Kris Jose