Agri damage ni bagyong Karding, sumampa sa P1.97B

Agri damage ni bagyong Karding, sumampa sa P1.97B

September 29, 2022 @ 7:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pumalo na sa kulang-kulang P2 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura  dahil sa pananalasa ni bayong Karding.

Sa pagtatantya ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM) ng Department of Agriculture (DA), ang halaga ng production loss ay  umabot na sa  P1.97 bilyon “as of 9 a.m. on September 28,”  mula sa  P1.29 bilyon”as of Tuesday afternoon.”

Sinalanta ng bagyong  Karding ang 148,091 ektarya ng agricultural land sa  Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Bicol Region.

Apektado naman ng kalamidad ang 88,520 magsasaka at mangingisda na may pinagsamang dami ng production loss na  114,446 metric tons (MT).

Ang mga apektadong kalakal naman aniya ay ang bigas, mais, high-value crops, livestock, manukan, at palaisdaan.

“These values are subject to validation,” ayon sa  DA.

“The increase in overall damage and losses is due to additional reports on rice, corn, high-value crops, livestock, and fisheries in Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon and Bicol Region,” ayon pa rin sa DA.

Sinabi pa rin ng departamento na nagsasagawa ang kanilang Regional Field Offices (RFOs) ng “assessments of damage and losses” sa  agri-fisheries sector.

Sa kabilang dako, available naman  para sa distribusyon ng  tulong para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda ang P170.34 milyong halaga ng  rice seeds, P23.16 milyong halaga ng corn seeds, at P13.55 milyong halaga ng assorted vegetable seeds;  P2.45 milyong halaga ng animal heads, drugs, at biologics para sa livestock at poultry; Fingerlings at fishing paraphernalia sa mga apektadong  mangingisda mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nandiyan din ang Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa  Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na may loanable amount ng hanggang P25,000 na payable  sa loob ng tatlong taon at  may zero interest; P500 milyong halaga ng  Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng  mga apektadong lugar at; Mobile KADIWA centers para sa  rolling out sa mga lugar na apektado ng bagyong Karding para maging stable ang presyo at suplay ng agri-fishery commodities

Samantala, sinabi naman ng Department of Social Welfare and Development na naglaan ito ng P1.1 bilyon para sa kanilang disaster response and assistance para sa mga tinamaan ng nasabing  bagyo. Kris Jose