Agri damage ni ‘Paeng’ pumalo na sa P2.74B – DA

Agri damage ni ‘Paeng’ pumalo na sa P2.74B – DA

November 3, 2022 @ 7:56 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umabot na sa P2.74 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil kay Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae).

Sinabi ng Department of Agriculture (DA), nakasaad sa data na ipinalabas ng  Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng departamento na ang P2.74 bilyon “as of 5 p.m.” araw ng Miyerkules, Nobyembre 2 ay tumaas mula sa P1.33 bilyon.

Sakop ng latest bulletin ang 82,830 ektarya ng  agricultural areas sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at Soccsksargen.

“This translated into a production loss volume of 111,831 metric tons of commodities such as rice, corn, and high value crops, impacting some 74,944 farmers and fishers.

Most of the damage was seen in rice, with a volume loss of 95,694 metric tons equivalent to P1.71 billion,” ayon sa report ng DA.

“This was followed by high value crops worth P555.4 million, fisheries worth P201.64 million, corn worth P135.4 million, livestock and poultry worth P9.49 million, cassava with P4,220,” ayon pa rin sa report.

Ang  pinsala naman sa agricultural infrastructures  ay umabot na sa P133 milyong piso, sakop ang iba’t ibang laboratoryo at crop protection centers, irrigation systems, water impounding projects, at diversion dams.

Ang  pinsala naman sa machineries at equipment ay sinasabing umabot na sa  P235,000,  kabilang na ang hand tractors at vermi beds.

Sinabi pa ng DA na ang tulong ay available para sa distribusyon sa mga apektadong magsasaka at mangingisda, kabilang ang bigas, mais at assorted na  vegetable seeds, at gamot para sa livestock at poultry.

Sinabi pa ng departamento na ang  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay mayroong fingerlings at tulong na ibibigay sa mga apektadong mangingisda.

Ang mga apektado aniya ay maaaring mag- avail ng  P25,000 loan mula sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC), kasama ang Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. Kris Jose