Agri damage sa Bagyong Karding sumampa sa P160.1M – DA

Agri damage sa Bagyong Karding sumampa sa P160.1M – DA

September 27, 2022 @ 3:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Lumobo na sa  P160.1 milyon ang pinsala at pagkalugi  sa agrikultura dahil sa hagupit ng bagyong Karding.

Sa pinakahuling pagtataya ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM)  ng Department of Agriculture (DA), sakop nito ang 16,659 ektarya ng agricultural areas sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, at Bicol Region.

“This translates to a volume of production loss of 7,457 metric tons (MT) of commodities such as rice, corn, high value crops, and fisheries affecting 3,780 farmers and fisherfolk,” ayon sa DA.

“These values are subject to validation. Additional damage and losses are expected in areas affected by ‘Karding’,” ang nakasaad naman sa  latest bulletin  ng DA, hanggang alas-5 ng hapon, Lunes.

Tiniyak ng ahensya na available ang tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda kabilang na ang  133,240 supot ng rice seeds; 5,729 supot ng corn seeds; at 4,911 kilograms ng  assorted vegetable seeds.

Mayroon din itong gamot at  biologics para sa “livestock at poultry,” at fingerlings at tulong sa pamamagitan ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sinabi pa ng departamento na  maaari nilang  gamitin ang Survival and Recovery (SURE) Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at P500-milyong halaga ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. Kris Jose