Agri damage sa bagyong Paeng, P6.1B na – NDRRMC

Agri damage sa bagyong Paeng, P6.1B na – NDRRMC

November 10, 2022 @ 4:44 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa P6.1 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng bagyong Paeng.

Ito ang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes, Nobyembre 10 sa 8 a.m. situational report kung saan umakyat na sa P6,190,088,661 ang pinsala sa agrikultura mula sa mga rehiyon ng 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, 6, 9, 10, BARMM, at CAR.

Dagdag pa rito, nasa 144,682 mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo mula sa 134,651.205 hektarya ng mga taniman at pangisdaan.

Samantala, umakyat naman sa P5,055,450,437.88 ang pinsala sa imprastruktura mula sa mga rehiyon ng 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, 6, 7, 10, 11, 12, BARMM, at CAR.

Ayon pa sa NDRRMC, mayroong kabuuang 53,096 mga bahay ang napinsala kung saan 47,988 sa mga ito ang partially damaged at 5,108 ang totally damaged. RNT/JGC