Agri damage sa shear line P325M na – NDRRMC

Agri damage sa shear line P325M na – NDRRMC

January 6, 2023 @ 1:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa P325,279,850 ang kabuuang pinsala sa agrikultura dulot ng malalakas na pag-ulan at malawakang pagbaha dahil sa shear line noong Pasko.

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Enero 6 batay sa 8 a.m. report ng ahensya.

Sa datos, nananatiling may pinakamalaking pinsala na natamo ay ang Northern Mindanao sa P172.45 milyon, sinundan ng Miramopa sa P83.65 milyon at Bicol Region sa P56.05 milyon na agricultural damage.

Samantala, umabot naman sa P268.56 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastruktura habang mahigit P2 milyon na pinsala naman ang iniulat ng
National Irrigation Administration.

Mayroon namang nasa 5,152 tirahan ang napaulat na nasira, 4,242 ang partially damaged at 910 ang totally damaged.

Sa kasalukuyan ay mayroong 23 lungsod at munisipalidad ang nasa ilalim ng state of calamity. RNT/JGC