Agri group: Presyo ng asukal posibleng bumaba

Agri group: Presyo ng asukal posibleng bumaba

August 13, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) nitong Sabado na ang retail price ng asukal ay inaasahang bababa sa pagsisimula ng milling season, na magdaragdag sa lokal na suplay ng bilihin.

“Magi-istart na ng milling by next week so local supply will now be augmented,” ani PCAFI president Danilo Fausto.

“We are hoping by next month, mag-umpisa nang bumaba [ang presyo] kapag nag-umpisa na ang sugar milling full blast ng September hanggang November,” dagdag ni Fausto.

Tumaas na ang retail prices ng asukal mula sa P40-P55 kada kilo noong Pebrero sa halos P90-P95 kada kilo sa kasalukuyan, ayon kay Fausto.

Nilinaw naman ng PCAFI chief na depende sa ilang factors ang pagbaba ng presyo ng asukal kagaya na lamang ng halaga ng produksyon. RNT/SA