Agri, infra damage ng bagyong Quinta, P429M na

Agri, infra damage ng bagyong Quinta, P429M na

October 28, 2020 @ 6:34 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang pinsala sa sektor ng agrikultura at insprastraktura dahil sa bagyong Quinta ay umabot na sa P429,726,344.

Sa tala, sinabi ni NDRRMC executive director Ricardo Jalad na ang napinsala sa agrikultura ay pumalo sa P401,726,344 habang P28,000,000 naman sa insprastraktura sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, at Western Visayas.

Habang 49,557 pamilya naman ang naapektuhan ng bagyong Quinta na katumbas ang 209,457 indibidwal na nakatira sa 787 barangay sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Eastern Visayas. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...