Agri, meat products nakumpiska sa mga pasahero sa NAIA

Agri, meat products nakumpiska sa mga pasahero sa NAIA

January 31, 2023 @ 11:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Plant Industry and Bureau of Animal Industry ang gulay, prutas at processed meat na dala ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ang nakumpiskang agricultural products ay broccoli, mushrooms, atis, orange, at dragonfruit, ayon sa ulat nitong Martes.

Nasamsam din ang processed meats gaya ng sausages.

Nagmula ang mga produkto sa Xiamen sa China maging sa Taiwan at Canada.

Nagpaalala naman ang Bureau of Quarantine Service sa NAIA sa mga pasahero na ang pagdadala ng agricultural products nang walang permit ay hindi pinapayagan dahil sa posibilidad ng pagkakaroon nito ng peste at maaari ring makaapekto sa local vegetation.

Nitong buwan, 10 flight crew members ng Philippine Airlines ang nahuling nagdadala ng undeclared fruits at vegetables mula Riyadh at Dubai.

Nagdala ang crew members ng sibuyas, lemons, at strawberries na walang permits. RNT/SA