AGRI partylist sa DSWD: Magsasaka, mangingisda iprayoridad sa 4Ps

AGRI partylist sa DSWD: Magsasaka, mangingisda iprayoridad sa 4Ps

July 31, 2022 @ 12:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipinanawagan ni AGRI Partylist Rep. Wilbert T. Lee sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na iprayoridad ang mga magsasaka at mangingisda sa bagong kulunij na benepisyaryo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ang panawagan ni Lee ay kasunod ng 0lano ng DSWD ng dagdag na 1.3M benepisyaryo.

Bunsod nito, ipinanukala ni Lee sa pamamagitan ng House Resolution (HR) No. 89 ang pagsama sa listahan ng benepisyaryo sa mga magsasaka at mangingisda.

“Although the figures reported by the DSWD are still in the process of final validation, the cash assistance and slots for those who ‘graduated’ from the program, and are not considered extremely poor anymore, must be given to the poorest and most neglected sector and population—the farmers and fisherfolks, as long as they qualify with the criteria set forth in the 4Ps Act,” ani Lee, na isang myembro ng minorya.

Nakasaad sa Section 6 of Republic Act No. 11310 o ang 4Ps Institutionalization Act na ang mga magsasaka at mangingisda kasama ang ilang bulnerableng sector ay awtomatikong makasasama sa standardized targeting system ng DSWD.

“As I and the AGRI Party-list stated earlier, we laud the President’s prioritization of the Agriculture sector. Serious attention should be given by the government to our farmers and fisherfolks now. We must concretely acknowledge their fundamental role in our economy, address their plight and give proper value to their contributions through tangible and impactful assistance to their children and households,” ani Lee.

“Apart from modernizing our agriculture infrastructure and equipment, we must give equal importance to integrated efforts on investing in human development among farmers and fisherfolks which is the education of their children and healthy households to address the root causes of poverty. Sa susunod na ulat ng DSWD, umaasa tayo na mas marami na sanang magsasaka at mangingisda na benepisyaryo ng 4Ps.

“Sunod-sunod ang kalbaryong dinadanas ng ating mga magsasaka at mangingisda—mula sa mababang kita, pagkasira ng ani o kawalan ng huli dahil sa kalamidad, mataas na gastos sa farm input at pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pati na ang mga dagdag na pasaning dulot ng pandemya. Napakalaking tulong na maibigay sa kanila ang karampatang mga benepisyo, hindi lang para makabangon, kundi upang tuluyang maiangat ang kanilang pamumuhay. ” dagdag pa niya. RNT