Agri production, food sufficiency kailangang tugunan bago maging agri hub – DA

Agri production, food sufficiency kailangang tugunan bago maging agri hub – DA

October 10, 2022 @ 9:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kailangan munang tugunan ng Pilipinas ang usapin ng “production and food sufficiency” bago pa makamit nito ang nilalayon na maging “leading agricultural resource hub.”

Sinabi ni  Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, kailangan na palakasin muna ng bansa ang produksyon upang ma-cater  ang demand  sa loob at labas ng Pilipinas.

“Of course, first is ‘yung food security sa loob po ng bansa na maging self-sufficient po tayo, and second is also to be able to cater to the needs of our neighbors sa mga ibang bansa na malapit po sa atin because we have a lot to offer,” wika ni Evangelista.

Tinukoy ni Evangelista  ang local agricultural goods  gaya ng saging  na hinahanap sa Japan, at durian na ini-export sa ilang bansa.

Nauna nang inihayag ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na kumpiyansa siya na magiging pangunahing  agricultural resource hub ang Pilipinas.

“Kakayanin po ‘yan dahil napakaganda ng ating location. We are very strategic,” wika ni Evangelista.

“At the same time, I think kailangan lang po natin palakasin ang ating production and include innovation para po ‘yung ating mga magsasaka gumanda ang yield, gumanda ang quality,”  aniya pa rin sabay sabing ‘Yung production natin, quality of production, the yield of production, ‘yan po ang tinututukan natin ngayon.”

Samantala, sa  pinakabagong data ng PSA, makikita  na mayroong  6.55 milyong pinoy ang hindi sapat ang kinikita para sa basic food needs noong  2021, nagpapahiwatig lamang ito ng “subsistence incidence” ng  5.9%. Kris Jose