Agri-rev, S&T/R&D, digital transformation, MSMEs dapat sentro sa 20-pt agenda ng sunod na admin – Salceda

Agri-rev, S&T/R&D, digital transformation, MSMEs dapat sentro sa 20-pt agenda ng sunod na admin – Salceda

December 6, 2021 @ 10:54 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Ang makabuluhang ‘20-point agenda’ ng susunod na pamunuan ay dapat pangunahan ng “revolution in agriculture,’ science and technology (S&T) research and development (R&D) ‘and’ digital transformation with a national broadband network. ‘”

Ito ang pananaw ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, at isang respetadong ekonomista, na ipinahayag niya sa ginanap na ‘10th Arangkada Philippines: Pathways to a Better Future’ forum na itinanghal ng magkakasamang ‘Joint Foreign Chambers’ sa bansa.

Ayon kay Salceda, ang adyenda ng susunod na administrasyon ay dapat nakatuon sa malakas na pagbangon ng ekonomiya mula sa pagkakalugmok dulot ng pandemya. Nanawagan din siya na ipasa agad ang ilang mahahalagang panukalang batas na naghihintay ng aksiyon ng Kongreso, kasama ang mga amyenda sa ‘Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act, Foreign Investments Act, and Ease of Paying Taxes Act,’ (EOPT). Layunin ng naturang mga panukalang batas na akda din niya, na lalong palakasin ang daloy ng dayuhang pamumuhunan sa bansa.

Pangunahin sa panukalang “20-Point Agenda” ni Salceda para sa bagong pamunuan ang tinatawag niyang ‘Second Agricultural Revolution,” na suportado ng gobyerno na pagtutugma-tugmain ang mga pangangailangan ng mga sakahin at magsasaka, kasama ang pagpapatawad sa mga ‘agrarian reform loans’ at mga pautang.

Pangalawa at pangatlo sa ’20-point agenda’ ni Salceda ang Science and Technology/Research and Development for Change (S4CP), at ‘Digital Transformation and National Broadband.’ Ang iba pa ay gaya ng mga sumusunod: ‘4) Education: Learner nutrition, Teacher empowerment, Optional K-12, Stronger ALS; 5) Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) – Skills over College Diplomas, Meister schools; 6) Filipinos on the Move – Rural Infrastructure; 7) Mass Public Transport; Indigenous Renewable Energy; Healthcare Reforms—Health for All; 9) Quality Housing for All; 10) Universal Basic Income through UCT (Unconditional Cash Transfer) at TUPAD; ‘11) Rules-based, science-based, data-driven institutional rules; 12) Breaking down oligarchs and cartels; 13) MSMEs of the Future — Business Incubation, India model of fund-of-fund, and Entrepreneur class; 14) ‘Rurbanization’– Countryside Development and Optimizing Devolution; 15) BBB for Creative Industries (Korean Model); 16) Stronger Foreign Relations with US, India and Israel, ASEAN, Japan, South Korea and Australia, and optimized economic ties with China; ‘17) Modernizing Public-Private Partnership beyond Infrastructure; 18) A Tax System for the 21st Century – Reforms against tax evasion and shifting; 19) Deeper and broader capital and financial market that will make every Filipino family an investor; and 20) Modern and credible national security – Responding to emerging and unconventional threats.’

Layunin ng HB 9955 na akda ni Salceda na lalong patibayin ang hawak ng mga magsasaka sa mga lupaing-saka nila at alisin ang maraming mga bawal sa kanilang sektor upang mapasulong at mapalakas ang agrikultura. Ang HB 10154 o (S4CP) niya ay pasado na sa Kamara noong Setyembre at nasa Senado na.

Ipinaliwanag ng mambabatas ng lalong umiigting ang kahalagahan ng S4CP ang pagsulong ng mundo ay lalong naisasabalikat ng siyensiya at teknolohiya.

“Ngayon, nakikita na natin na binibigyan na ng ibayong pagpapahalaga ng mga negosyo, mga paaralan at pati na trabaho ang internet lalo na sa panahon ng pandemya. Sadyang patuloy na yata ang paglalakbay natin sa mundo ng ‘Online,’” dagdag niya. RNT