Agri smuggling ‘di pa rin masawata; puslit na karots nasabat

Agri smuggling ‘di pa rin masawata; puslit na karots nasabat

August 19, 2022 @ 7:12 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga ahente ng Manila International Container Port (MICP) ang isang shipment ng mga ismagel na karot na idineklara na naglalaman ng mga “chocolate” na nagmula sa bansang China sa isinagawang operasyon sa Manila North Harbor Port, Inc. nitong Martes.

Sa ulat ng Bureau of Customs (BOC), katuwang ng MICP ang Sub-port ng North Harbor, Bureau of Plant Industry-Plant Quarantine Service (BPI-PQS), at Department of Trade and Industry Sub-Task Group on Economic Intelligence sa isinagawang joint operation sa Manila North Harbor Port.

Inirekomenda ni Atty. Jesus Balmores, Officer-in-Charge ng North Harbour Port, ang pagsusuri sa kargamento makaraang matanggap ang impormasyon tungkol sa nasabing kontrabando mula sa BPI.

Ang kargamento mula sa China ay idineklara bilang mga tsokolate, ngunit natagpuang naglalaman ng mga sariwang karot.

“The shipment will undergo seizure and disposal proceedings for violation of Sections 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture), 117 (Regulated Importation and Exportation), and 1401 (Unlawful Importation and Exportation) of the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), BPI-National Plant Quarantine Service’s Rules and Regulations for the Importation of Plant products, and Republic Act No. 10845 or the ‘Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016’,” saad ng BOC. JAY Reyes