Agrikultura ipaprayoridad ni Marcos – DA Chief

Agrikultura ipaprayoridad ni Marcos – DA Chief

May 11, 2022 @ 8:49 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na nakikita niyang kasama ang agricultural sector sa “top priorities” ng susunod na administrasyon.

“I believe that the next administration will have that political will, that ability to give the topmost priority or one of the topmost priority areas that is the sector of agriculture and budget for would be at the level of double of the present or tripling the present budget of the Department of Agriculture,” ayon kay Dar.

Dahil dito, hinikayat ni Dar ang publiko na suportahan ang president-elect sa patuloy na nilalayon nito na magkaroon ng ‘stability’ o pagkamatatag sa kabila ng “brewing food crisis.”

“We must unite and support the presidency of Ferdinand Romualdez Marcos Jr.,” ayon sa Kalihim.

Sa kabilang dako, isa aniya sa slogans ni Marcos ang P20 na presyo ng palay at hindi ng bigas.

“I surmise that the P20 per kilo is for palay, not for rice, so we have a present farmgate price of palay at P19, so increasing that to P20 is very viable,” ayon kay Dar.

At sa natitirang 51 araw ng administrasyong Duterte bago pa ito magtapos, sinabi ni Dar na ipakikilala nila ang kanilang banner programs sa incoming administration upang tiyakin ang food security sa bansa.

Partikular na tinukoy nito ang National Agriculture and Fisheries Modernization and Industrialization Plan (NAFMIP).

“It was there that we launched itong strategic plan for the next 10 years, with a very solid foundation. Sa transition po, ito ‘yung pinaka, isang big attachment. We will summarize this but there will be many other agenda items,” ayon kay Dar.

Sinabi ni Dar na ito’y napakahalaga sa gitna ng patuloy na umiinit na global effects sa nagpapatuloy na Ukraine-Russia crisis at nagpapatuloy na pagtaas sa presyo ng krudo.

“NAFMIP will be the anchor for any significant budgetary support, we need to have more support this time around, para sa ganun, maitaas natin ‘yung level ng production natin sa bansa,” ayon kay Dar. Kris Jose