Aguirre tatapalan ng dagdag na reklamo ni De Lima

Aguirre tatapalan ng dagdag na reklamo ni De Lima

May 6, 2022 @ 8:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng nakakulong na senadora Leila de Lima noong Huwebes na maghahain siya ng dagdag na reklamo laban kay dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre noong 2017 para isama ang criminal rap ukol sa umanoy false testimony, paggamit ng mga pekeng dokumento, at grace coercion.

Sinabi ng opposition solon sa isang dispatch na ang affidavit ni dating Bureau of Corrections chief Rafael Ragos kung saan pinilit umano siya ni Aguirre na idawit ang senadora sa kalakalan ng iligal na droga ay magsisilbing matibay na ebidensya para suportahan ang reklamo niya kay Aguirre.

“Ragos’s affidavit will serve as strong evidence, together with the other documents I already submitted to the Ombudsman, that Aguirre committed these criminal offenses against me when he ordered the preparation and filing of fabricated drug charges against me,” aniya pa.

Binawi ni Ragos ang mga alegasyon laban kay de Lima sa isang affidavit na nilagdaan noong Mayo 2. Ilang araw bago nito, binawi rin ng self-confessed drug dealer na si Kerwin Espinosa ang mga paratang na ginawa niya laban sa senador.

Si Aguirre, sa isang pahayag noong Miyerkules, ay itinanggi ang mga pahayag ni Ragos.

Sa kanyang dispatch, sinabi ni de Lima na si Aguirre ay “orchestrated the trial by publicity” at pinilit ang mga empleyado ng Department of Justice na “admit falsely that they received money and held bank accounts for my benefit.”

Idinagdag niya na binigyan din niya ng immunity ang mga bilanggo mula sa New Bilibid Prison na tumestigo laban sa kanya “kahit na ang mga kriminal na nahatulan ay hindi kwalipikado na maging saksi ng estado.”

Sinabi ni De Lima na “pure speculation, a flimsy defense” ang sinasabi ni Aguirre na ang pagbawi ni Ragos ay politically motivated. RNT