Agusan del Sur mayor inireklamo sa election violation

Agusan del Sur mayor inireklamo sa election violation

May 15, 2022 @ 11:30 AM 1 month ago


SAN FRANCISCO, Agusan del Sur- Nahaharap ang alkalde ng bayan ng Rosario sa Agusan del Sur sa reklamong paglabag sa elections rules matapos pumunta sa mga presinto sa araw ng eleksyon at sabihan ang mga miyembro ng isang electoral board na ilipat ang vote-counting machine (VCM) malapit sa bintana ng silid na nagsisilbing voting center.

Naghain ang kampo ng dating mayor na si Jose Cuyos Sr. ng reklamo sa local Commission on Elections (Comelec) office laban kay reelectionist Mayor Jupiter Abulog.

Tinalo ni Cuyos, dating three-term mayor, si Abulog sa boto.

Sinabi ni dating town councilor Menio Orcullo na nakita ng kanilang mga taga-suporta si Abulog at ilang mga konsehal na bumibisita sa ilang presinto at inatasan na ilipat ang VCM, na nasaksihan ng isang residente ng Purok 4 sa Barangay Poblacion.

Inihayag nu Orcullo na ang utos ng alkalde ay maaaring upang magsagawa ng “open ballot scheme” kung saan makikita ng watcher ng kampo na binoto ng mga botante ang kandidato na nagbigay sa kanila ng pera. RNT/SA