Agusan del Sur sapul sa landslide

Agusan del Sur sapul sa landslide

February 19, 2023 @ 11:04 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng pagguho ng lupa ang Purok 10-Masabong, Bayugan 3, Rosario, Agusan del Sur.

Ayon kay punong barangay Michael Rhay Hambala, muntik pang matabunan ang anim na tirahan sa nasabing landslide.

Ani Hambala, mula noong Martes, Pebrero 14 ay wala nang tigil ang mga pag-ulan kung saan naitala ang pinakamalakas nitong Biyernes, Pebrero 17 na naging dahilan para gumuho na ang lupa.

Sa kasalukuyan ay pansamantalang tumutuloy ang nakatira sa anim na bahay na muntik matabunan ng landslide, sa Masabong Elementary School.

Hindi rin madaraanan ang kalasada mula Purok Masambong patungong Purok Cosep.

Sa huling ulat ng PAGASA, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa low pressure area ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao. RNT/JGC