Ahn Ji Young ng Bolbbalgan4 nagpakita na sa fans!

Ahn Ji Young ng Bolbbalgan4 nagpakita na sa fans!

April 21, 2022 @ 1:45 PM 2 months ago


SEOUL, South Korea – Matapos ang mahaba-habang hiatus ng South Korean duo ng Bolbbalgan4, muling hinarap ng miyembro nitong si Ahn Ji Young ang mga fans!

Ito ay sa pamamagitan ng isang online showcase na ginanap bilang paghahanda sa release ng pinakabagong mini-album ng Bolbbalgan4 na ‘Seoul’.

Matatandaan na pansamantalang tumigil muna sa kanyang mga aktibidad na may kinalaman sa career si Ahn Ji Young dahil sa anxiety mula noong 2020.

“I did music I wanted to do before, but on the other hand, there was a lot of anxiety. I took a long break and came to think of writing a song with a more relaxed mind. My heart’s winter was longer than springtime. But as time passed, I felt that I wanted to feel the warm spring with many people, so I decided to write a bright song,” mensahe ng Bolbbalgan4 member.

Kaabang-abang para sa mga fans ng duo ang paparating na mini-album na ‘Seoul’ na magpapakita umano ng different side ng capital city ng bansa.

Dagdag pa ni Ahn Ji Young patungkol naman sa naturang album, “‘Seoul’ is the Seoul of Bolbbalgan4. My Seoul was full of passion, I received a lot of love, and on the other hand, there are emotions that hurt a lot. Seoul was the city of dreams.”

Kilala ang Bolbbalgan4 sa pagkakaroon ng mga awiting may travel vibe o sumasalamin sa mga buhay-buhay sa Korea. RNT/JGC