Ahron, bet ang madugong pagkamatay!

Ahron, bet ang madugong pagkamatay!

October 26, 2022 @ 4:54 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Hindi lahat ng tao are comfortable with the topic on death.
Morbid daw kasi itong pag-usapan.

But not in the case of Ahron Villena na nakipagtsikahan pa nga raw kamakailan with his circle of friends as they talked about death.

Aniya, ayaw daw niya ng peaceful death tulad ng hindi na lang nagigising.

His idea of death is tragic, either naaksidente o namatay dahil sa pamamaril.

Natural, maraming miyembro ng kaharap na press ay nawindang sa kanya.

Imagine nga naman na isang guwapong nilalang tulad ni Ahron ay bet matigok sa aksidente?

Eh, ano na ang hitsura niya if ever?

Bet din niyang mai-cremate if and when he dies.

At least, okey pa ang sagot niya kumpara sa nakahiga siya sa ataul.

But he has this ardent wish before he kicks the bucket, so to speak.

Gusto raw niyang umuwi ang kanyang ina na nasa abroad sa napakatagal nang panahon.

On the other hand, malungkot pa rin ang scenario na inii-imagine ni Ahron.

As in bangkay ng anak ang sasalubong sa ina!

Pero sana’y hindi magkatotoo ang inaasam na tragic death ni Ahron.

Sabi nga, be careful what you wish for. Ronnie Carrasco III