AHUY BALLERS CUP 2022 SA INDANG, UMARANGKADA NA

AHUY BALLERS CUP 2022 SA INDANG, UMARANGKADA NA

November 5, 2022 @ 1:12 AM 1 month ago


ANG inaabangang Ahuy Ballers Cup 2022 ay nagsimula na sa pamamagitan ng isang opening ceremony noong Oktubre 28, 2022 sa Indang Municipal Covered Court sa Barangay Poblacion Tres sa Indang, Cavite.

Naging panauhing tagapagsalita sa programa ang SK Federation President ng Indang na si Hon. Keann Feraer. Nagkaroon din ng sports clinic na pinangunahan ni G. Bien Catanaoan.

Ang Ahuy Ballers Cup 2022 na pinamumunuan ni Catanaoan ay may basketball games na nahahati sa dalawang age bracket na 18 under basketball game at 40 above basketball game.

Ang mga team na ito ay mula sa bawat tropahan o samahan na nabuo sa bawat barangay na kanilang kinabibilangan tulad ng Bancod Ballers, St. Yago, Batang Longwood, Batang Daine, 40s Daine, Batang Tres, Spoiled sa Amo, Saint Francis, San Roque, SSAA, Narra, Cuatro, Highlanders, One Buna Lejos Organization, Indang Basketball Unity Club, Saint James, LH, BanCer, Reslak – Calumpang Cerca, Highlanders Basketball Team, Balikutsa Republic – Kayquit.

Ang bawat laro ay gaganapin sa iba’t-ibang barangay ng Indang na may entry sa palarong ito.
Inaasahan na ang pagdayo at panonood ng mga tagasuporta ng bawat players o teams sa Ahuy Ballers Cup 2022.

Congratulations sa pamunuan at bumubuo ng Ahuy Ballers Cup 2022. Tuloy-tuloy lang ang ating layunin na ibuhos ng kabataan at mamamayan ang kanilang libreng oras sa palakasan at hindi sa paggamit at pagbebenta ng droga.

Salamat naman sa munisipalidad ng Indang dahil sa pag-alalay ng kanilang pamunuan sa mga grupong ang layon ay makatulong sa bayan.

PERSONAL: Pagbati ng maligayang kaarawan kay Ka Eduardo Villanueva Manalo noong Oktubre 31, ang Pangkalahatang Tagapangasiwa ng Iglesia ni Cristo. Mabuhay po kayo!