Ai Ai, asar-talo sa basher!

Ai Ai, asar-talo sa basher!

July 28, 2021 @ 7:33 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Trending topic ang pagiging mega-patola ni Ai Ai delas Alas sa isang basher na nagkomento sa kanyang Instagram post habang nagbo-bonding ang kanyang pamilya over dinner.

Hirit ng iba, na-offend daw ang aktres sa naging komento ng nasabing basher.

Tanong kasi ng isang IG user na nagngangalang @thisisnivla sa komedyana: “Anong tawag ng mga anak mo sa asawa mo? Eh mukang matanda pa po anak mo sa asawa mo? Ask lang”

Resbak naman ni Ai Ai: “@thisisnivla tawag ko sa asawa ko darl tawag ko sayo TAE HAHAHHAHAA GAGO ULUL!!!”

Sa matinding inis, hindi rin napigilan ng komedyana na okrayin ang hitsura ng nasabing netizen.

“@thisisnivla ay hahahahha tinaggal mo picture mo haahahahhaa ang laki laki ng muka mo parang kinagat ng ipis hahahahhahaha nanahimik pamilya namin sa masyang dinner dami mong sinasabi animal !!!!” ganti ni Ai Ai.

Humirit muli ang basher na: “Me msama ba kong sinabi ha? Nagtatanong lang nagalit na kayo kagad? Sus.”

“Masama ba magsabi ng totoo na una ang laki ng muka mo pangalawa nanahimik pamilya namin tanong mo pang mal edukado,” buwelta ni Ai Ai.

Bagama’t nakakuha ng maraming kakampi ang Kapuso actress, marami rin naman ang nakapansin sa pagiging pikon nito na anilaý nag-overboard daw sa pagpatol sa nabanggit na netizen.

Hirit ng ilan, sana raw ay hindi na lang nito pinatulan ang netizen o kaya’y blinak na lang nito ang basher at hindi na rin nag-resort sa pang-iinsulto.

Dahil sa samu’t-saring reaksyon na natanggap sa pagiging pikon umano, nagbigay naman ng kanyang panig ang aktres at sinabing hindi siya nagagalit sa ginawang pagtatanong sa kanya ng naturang netizen.

“Hindi naman ako nasasaktan na matanda na ako at bata yung napangasawa ko, alam naman ng buong mundo yun.

“Ang nakakairita (hindi galit), ‘yung minsan lang kami magkasama sa dinner ng buo kami, kasi si Sancho naka lockin taping, ako kakagaling lang America tapos may mga comment na na ganun.

“Aktwali, patol kami mag-anak kasi nakakatawa din tong si kuya assH pero d nya kinaya nag tanggal ng picture kasi kinuyog namin sya bilang isang pamilya happy lang tawang tawa kami sa kanya,”aniya.

“Hindi ako nagagalit at hindi ako nasasaktan pinagtripan namin sya … eto pa ang isa hahahhaa … pwede opinyon lang kayo e ayusin nyo naman english nyo yan ang masakit talaga pwede naman TAGALOG … pa sosyal pa e… ate easy kalang sa english o itama naman naten paminsan minsan hahahaha,” sey ni Ai-Ai, piblished as is. Archie Liao


  •  
  •  
  •