Ai Ai at Gerald, muling ikakasal!

Ai Ai at Gerald, muling ikakasal!

November 29, 2022 @ 1:16 PM 2 months ago


Las Vegas, USA – Tiyak na unforgettable ang kaarawan ni Gerald Sibayan sa darating na November 30, Miyerkules.

Sa halip kasi na magkaroon siya ng pagdiriwang, mas pinili ni Gerald na magpakasal uli sila ni Ai Ai de las Alas sa Las Vegas.

By now ay naroon na ang couple.

Matatandaang nagkaroon sila ng magarbong church wedding sa isang simbahan sa Green Meadows noong December 2021.

Bale ang kasal nila almost five years later ay renewal of vows.

Lumalabas na post-birthday event na rin ito ni Ai Ai who turned 58 nitong November 11.

Samantala, pinarangalan si Ai Ai bilang Undisputed Comedy Queen sa ikatlong Amerasian International Awards na ginanap sa Hollywood, California nitong November 26.

Hindi nakadalo si Ai Ai para tanggapin ang nasabing karangalan dahil na-expose daw siya sa isang taong may COVID-19.

Sa halip ay ang anak niyang si Nicolo received the award on her behalf.

Nagpadala na lang si Ai Ai ng video ng pasasalamat.

Si Nicolo ay pangalawang anak ni Ai Ai whose father ay ang dating balladeer na si Miguel Vera.

Matagal nang naka-base si Nicolo sa Amerika kung kaya’t may thick American accent ito.

Mabuti na lang na kahit mahiyain ito’y napapayag siya ni Ai Ai na umakyat ng entablado for the award due his mom.

Kina Ai Ai at Gerald na muling ikakasal, our congratulations and best wishes! Ronnie Carrasco III