Ai-Ai, binaboy ang kanta ng Blackpink!  

Ai-Ai, binaboy ang kanta ng Blackpink!  

December 30, 2020 @ 2:35 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Trending na naman sa social media ang latest K-pop cover performance ni Ai-Ai delas Alas.

 

Nag-perform kasi sa “The Clash” si Ai-Ai at kinanta niya ang “Lovesick Girls” na pinasikat ng Blackpink.

 

Nakailang palit ng costume si Ai-Ai habang kumakanta. Halatang 

hirap siya sa ibang bahagi ng kanta. 

 

Dahil mahirap i-memorize ang Korean lyrics ng “Lovesick Girls,” may mga bahaging kung anu-ano na lang na ‘di mawari ang sinasabi ni Ai-Ai.

 

Nagmistulang binaboy n’ya ang kanta. 

 

Tuwang-tuwa ang comedian-singer sa performance n’ya kaya nag-post siya sa Instagram ng picture n’yang kuha habang nagpe-perform. 

 

Sa caption, nagbigay siya ng mensahe para sa Blinks, tawag sa fans ng Blackpink na nakapanood ng kanyang performance.

 

Aniya (published as is) : “Black pink ka pala e …mga blinks pasensya na muntik ng d kayanin pero INILABAN KO NAMAN… (apat naman sila na nakanta at nag rarap mag isa lang ako gumawa tulong naman [emoji]) wohoooooo…”

 

Bagama’t may ilang pumuri, pinutakte naman ng panlalait ang performance ni Ai-Ai. 

 

Isa sa mga pumuri ay ang Kapuso singer na si Julie Anne San Jose.

Comment ni Julie Anne (published as is): “Grabe walang kupas talaga! Nakakagood vibes palagi HAHAH merry Christmas Ate @msaiaidelasalas labyuuuu”

 

Suportado naman ng isa pang netizen si Ai-Ai bilang “fifth member” ng Blackpink.

 

Komento nito, “GO FIFTH MEMBER! GUSTO MO YAN EH HAHAHAHHAHAHA. AKO PO HININGAL SAYO GOODVIBES! GRABE NGA NAMAN YON.”

Sa Twitter, binatikos ng ilan si Ai-Ai sa ‘di maayos nitong pagbigkas sa lyrics ng kanta. 

 

Tweet ng isang netizens (published as is): “Kpop idols trying hard to sing OPM correctly and there’s Ai Ai Delas Alas At this point, what she’s doing is just disrespectful…if she can’t sing it properly, just stick to dancing”

 

Isa pang netizen ang nagkumpara sa peformance ni Ai-Ai sa cover ni Sandara Park at iKon member na si Jay ng Tagalog song na “Dahil Sa ‘Yo.”

 

Tweet ng isang K-Pop fan, “When Dara of 2ne1 and Jay of iKON sing’s a cover of ‘Dahil Sayo’, they tried to correctly pronounce each word to respect the language.

 

 

“On the contrary, Ai Ai Delas Alas butchered Lovesick Girl’s of Blackpink and sounded so disrespectful especially to language itself. Gross.”

 

Hindi ito ang unang beses na na-bash si Ai-Ai dahil sa kanyang cover performances ng kanta ng Blackpink. Danny Vibas


  •  
  •  
  •  

Loading...