Ai Ai, nabigla sa pagpanaw ni Jovit!

Ai Ai, nabigla sa pagpanaw ni Jovit!

December 9, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Pumanaw na si Jovit Baldivino, ang kauna- unahang kampeon ng Pilipinas Got Talent bandang alas kuwatro ng umaga nitong December 9.

He was 29.

Jovit succumbed to aneurysm.

Nalagutan siya ng hininga sa ICU ng Jesus of Nazareth sa Batangas City.

Matatandaang nito lamang ay iniulat namin dito sa Remate Online ang panawagan ng asawa niyang si Camille Ann Miguel na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news surrounding Jovit’s condition.

Among others, itinanggi ni Camille na nag-collapse ang kanyang asawa sa isang party.

Aniya pa, kailangan nilang mag-asawa ng panalangin, hindi ng fake news na lalo lang nagpapabigat ng kanilang kalooban.

Bumuhos agad ang pakikiramay para sa mga naulila ng singer, na nagkaroon ng katuparan ang pangarap maging isang mang-aawit nang manalo sa PGT noong June 2010.

Ikinabigla’t ikinalungkot ng isa sa mga nagsilbing hurado sa PGT na si Ai Ai de las Alas ang biglaang pagkamatay ni Jovit.

Nakiramay rin ang dating nangangasiwa sa career ni Jovit na si Joy Maranan.

Wala pang detalye sa burol ng namayapang singer.

Mula sa Remate Online, ang aming tauspusong pakikiramay sa mga naiwan ni Jovit. Ronnie Carrasco III