Ai Ai, nalaglag sa upuan!

Ai Ai, nalaglag sa upuan!

July 22, 2022 @ 3:15 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Kilala si Ai ai de las Alas for making fun of herself.

Kadalasan pa nga, self-deprecating siya. And she doesn’t seem to care at all.

Ang latest niyang ibinahagi sa social media ay maikling video kung saan nahulog siya sa kanyang upuan.

Ang siste, nun’g araw na ‘yon ay gumagawa siya ng pandesal.

From the kitchen ay pumunta siya sa dining room at umupo.

While seated, may napansin daw siyang sticker sa sahig.

Habang nakaupo, she reached out for the sticker.

Sa sobrang effort, tumimbuwang siya. Pati upuan ay kasamang nahulog sa sahig.

Isa ang co-judge niya sa The Clash ng GMA na si Lani Misalucha ang nag-post ng concern, “Mars, ano’ng nangyari sa ‘yo?”

Anyway, may time ngayon si Ai Ai to attend to her baking dahil taped in advance na ang mga natitirang episodes ng afternoon teleserye niyang Raising Mamay na consistent top rater. Ronnie Carrasco III