Ai-Ai, Yap persona-non-grata sa Kyusi

Ai-Ai, Yap persona-non-grata sa Kyusi

June 8, 2022 @ 7:55 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Quezon City Council ang isang resolusyon na nagdedeklarang “persona non grata” ang komedyanteng sina Ai-Ai Delas Alas at direktor na si Darryl Yap.

Ang resolusyon ay isinumite ni District IV Councilor Ivy Lagman dahil sa umanoy hindi paggalang nina Delas Alas at Yap sa opisyal na selyo ng Quezon City sa isang video na ipinost sa social media page ni Yap.

Darryl Yap

Ang dalawang minutong video ay nagpakita kay Delas Alas na gumaganap ng isang karakter na pinangalanang “Ligaya Delmonte”.

Ang kanyang background ay nagpakita ng tatsulok na selyo ng Quezon City, ngunit may inisyal at pangalang “BBM” at “Sara”.

Ang caption para sa video ay “Mayora for Mike Defensor”.

Noong 2022 na halalan, tumakbo si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor para sa pagka-alkalde ng lungsod, ngunit natalo laban kay incumbent Mayor Joy Belmonte.

“The malicious and unscrupulous defacing of the official seal of Quezon City ridiculed and casted dishonor to it, causing insult to the noble representation of the seal,” Lagman said in a statement. “The people of Quezon City will not let anyone disgrace the official seal of Quezon City for personal and selfish interests.” aniya pa.

Binanggit din niya na ang “seal has been the official coat of arms of the city since it was approved by the Office of the President and adopted by the City Council on Feb. 3, 1997 through Resolution No. 10320, S-1975.”

Wala pang pahayag sina Delas Alas at Yap tungkol sa usapin, ngunit ang video ay nai-repost sa Facebook page ng huli nitong Martes ng gabi. RNT