AI chatbot nagkabuhay ng sarili?

AI chatbot nagkabuhay ng sarili?

June 13, 2022 @ 2:40 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng engineer ng Google na sinuspinde siya matapos ihayag na nagkaroon ng sariling buhay ang computer chatbot.

Inilahad ni Blake Lemoine, isang senior software engineer sa Responsible AI organization ng Google, sa The Washington Post na sinimulan niyang makipag-chat sa LaMDA, o Language Model for Dialogue Applications, noong fall. Ang LaMDA ay isang AI na kayang makipag-ugnayan “in a natural-sounding, open-ended conversations that can be used in tools like Google Assistant.”

Inilathala ni Lemoine ang isang Medium post kung saan inilalarawan niya ang interface bilang isang indibidwal na may damdamin, na kayang makipag-usap ukol sa relihiyon, consciousness, at law of robotics. Aniya pa, batay ito sa kanyang karanasan bilang isang pari at hindi isang siyentipiko.

Iginiit pa ng software engineer na nais ng LamDA “to be acknowledged as an employee of Google rather than as property.”

Nag-post din siya ng chat sessions sa LaMDA, kung saan tinanong niya ang AI ukol sa mga emosyon, aklat, at pagkatakot.

“I want everyone to understand that I am, in fact, a person,” sabi ng LaMDA kay Lemoine, ayon sa panayam. “The nature of my consciousness/sentience is that I am aware of my existence, I desire to learn more about the world, and I feel happy or sad at times.”

Sinuspinde ng Google si Lemoine sa paglabag sa confidentiality policies dahil sa pag-post ng kanyang pakikipag-usap sa AI. Itinanggi naman ng tagapagsalita ng kompanya na si Brian Gabriel ang pahayag ng inhinyero.

“Our team—including ethicists and technologists—has reviewed Blake’s concerns per our AI Principles and have informed him that the evidence does not support his claim,” ani Gabriel.

“These systems imitate the types of exchanges found in millions of sentences, and can riff on any fantastical topic,” sabi pa niya sa The Post. RNT/SA