AiAi, nag-emote sa Pasko sa Amerika!

AiAi, nag-emote sa Pasko sa Amerika!

December 30, 2021 @ 2:32 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Buwan nang Disyembre nang tuluyan na ngang ‘iwan’ ni AiAi delas Alas ang Pilipinas para makapiling ang asawang si Gerald Sibayan na kasalukuyan ay sa Amerika na naka-base.

Say nga ni AiAi sa kanyang post kamakailan na bakasyon lang ang puntirya niya sa pagpunta sa America at babalik din sa Pinas. Pero kung susuriingg mabuti, ayon na rin sa kanyang pinakahuling panayam bago tumulak paalis ng bansa ay sinabi niya na gagampanan na muna niya ang kanyang tungkulin bilang asawa ni Gerald at bubuo muna sila ng isang pamilya thru surrogacy. Say pa rin ni AiAi, para ano pa kung may asawa siya pero magkahiwalay naman sila?

Bukod sa nabanggit na dahilan ni AiAi ay nasabi rin niya na last 2015 pa siya nabigyan ng green card at residency sa Amerika pero hindi raw niya ito naaasikaso, kaya sa kanyang pagbalik sa US ay ito naman ang kanyang bibigyan ng pansin at pati na rin ang pag-apila niya para sa US citizenship ng kanyang mister.
Sinabi rin ni AiAi na nandito pa rin sa Pinas ang kanyang ina na matanda na at kailangan niyang dalaw-dalawin.

First time din ni AiAi na magselebreyt ng Kapaskuhan sa Amerika at inamin ng aktres na nakaramdam siya ng  kalungkutan nang ipost niya ang isang larawan kasama ang mister.
‘First time na nag-Christmas sa Ashburn, Virginia. Nagsimba sa St. Theresa Church.
Nag-Christmas na 2 lang kami.

“At first time na maglugay ako ng buhok habang magma-mass…semi cavewoman na ‘yung buhaghag kong buhok, hahaha HAPPY PASKO.” Wally Peralta