Aicelle, nanawagan ng tulong pinansyal sa ina!

Aicelle, nanawagan ng tulong pinansyal sa ina!

September 16, 2022 @ 7:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Wala nang ibang choice ang singer na si Aicelle Santos kundi humingi ng tulong pinansyal para sa inang maysakit.

Tatlong linggo nang nasa ICU ng isang undisclosed hospital si Mommy Leonila Onnie nang ma-cardiac arrest.

Hindi pa rin ito nagkakaroon ng malay.

Kamakailan ay humingi si Aicelle ng panalangin kasabay ng kanyang masidhing pakiusap sa unconscious na ina na, “Ma, gumising ka na.”

Ngayon naman ay pinansyal na tulong na ang hinihingi niya sa pamamagitan ng GoFundMe.

Aminado si Aicelle na hindi kakayanin ng kanyang pamilya na tustusan ang lumalaking hospital bills nito.

Aniya sa kanyang latest post, “My mom is showing signs of progress and these are our sources of hope. But every day at the ICU is a sharp spike and it is expected to reach an amount far more than my family’s capacity to pay.”

Dagdag pa ni Aicelle, hangga’t maaari raw ay ayaw niyang humingi ng tulong pinansyal dahil tiyak na hindi ‘yon magugustuhan ng kanyang ina.

Kapag nga raw na-regain nito ang kanyang consciousness ay tiyak na magagalit pa ito sa kanila.

But Aicelle has no other choice left.

Kung tutuusin, wala namang masama manghingi ng financial assistance.

Marami pa naman sa ating paligid are not only willing and able, busilak din ang puso nila.

Masuwerte lang ang iilan dahil hindi nila kailangang manghingi, may mga nag-aabot ng tulong agad.

Classic example si Lolit Solis na dalawang beses isang linggong sumasailalim sa dialysis.

Pagmamalaki niya, ni singkong duling daw ay hindi pa nababawasan ang perang inilaan niya sa pagpapagamot sa dani ng mga sponsor niya.

Sa katunayan daw, nasa kanya ang credit card ng alagang si Senator Bong Revilla, na ano’t anuman daw ang gagastusin ng manager ay i-charge lahat doon.

Hindi ba kayo mapapa-sana all? Ronnie Carrasco III