Aiko at Ogie, nagpirmahan ng kontrata!

Aiko at Ogie, nagpirmahan ng kontrata!

March 18, 2023 @ 11:30 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines- Kung tutuusi’y hindi na kailangang gawing pormal ng magkaibigang Quezon City Councilor Aiko Melendez at Ogie Diaz ang relasyon nila bilang talent at manager.

For a year kasi ay verbal lang ang usapan nila.

Pero kamakailan ay pumirma si Aiko ng kanilang kontrata ni Ogie.

She captioned their photo with, “Just inked. Sealed with love and formality. I’m sure there will be beautiful things we can explore together.”

Sa mga hindi nakakaalam, tatlong dekada na ang friendship ng magkumpare.

“Mother” ang tawag ni Aiko kay Ogie na napakalapit sa dalawang anak ng aktres.

Although bumilang na ng 30 taon ang kanilang pagkakaibigan, tumayong manager ni Aiko si Ogie sa loob ng limang taon upon a verbal agreement.

Pero bakit kailangan pang gawing pormal ang kanilang professional relationship?

Looks like it was Aiko’s idea na rin na iginalang naman ni Ogie.

Ayon naman kay Ogie, kung ayaw na raw ni Aiko sa kanya and his style of management, “Let me know. Let’s save the friendship.”

Ganoon naman din ang nangyari kina Vice Ganda at Ogie, kahit wala nang namamagitang propesyonal na relasyon sa kanilang dalawa ay buo pa rin ang kanilang friendship.

Biniro tuloy si Ogie kung papayag ba siya na kunin si Aiko para lumabas sa isang Marvel film, at ang sagot nito na pabiro rin: “Oo, basta may offer!”

Hinanapan ng kuneksyon ito sa pinalalabas ng CEO ng Careless na management agency ni James Reid na inalok ng role ang dating alaga ni Ogie na si Liza Soberano sa Spiderman: Homecoming ng Marvel.

Ayon kay Jeffrey Oh, hindi raw pinayagan si Liza ng ABS-CBN gayong sa pagkakaalam ni Ogie ay wala naman talagang offer sa aktres.

Anyway, ang namayapang si Douglas Quijano ang dating may hawak ng career ni Aiko.

It was from Douglas whom Ogie has learned the ropes of artist management. Ronnie Carrasco III