Aiko, balak ipa-freeze ang eggs!

Aiko, balak ipa-freeze ang eggs!

October 19, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Bukas si Quezon City Councilor Aiko Melendez sa posibilidad na magkaanak uli.

Siyempre this time sa kanyang nobyo, si Zambales Representative Jay Khonghun.

Kaya ngayon pa lang ay binabalak na ng aktres-pulitiko na ipa-freeze ang kanyang eggs.

Pero posible rin daw na ipagpaliban niya ang pagkakaroon ng ikatlong anak.

Nakadepende raw kasi ‘yon kay Martheena, anak niya sa dating karelasyon na si Martin Jickain.

Nasa mindset na raw kasi kay Martheena na siya ang bunsong anak.

Aiko mothers her eldest child by Jomari Yllana, si Andre who’s now 24 years old.

Dahil medyo sabik sa ama, gusto sana ni Aiko na magkaroon ng bonding sina Jomari at Andre.

Nasa edad daw kasi ni Andre ang pagiging masarap gawing barkada.

Aiko is aware of the fact na kahit paano’y Andre would like to spend time with his father.

Dahil ba mas inilalaan ni Jomari ang kanyang panahon sa nobya nitong si Abby Viduya?

Ani Aiko, looking forward pa nga raw siya if she sees Jomari and his first love end up as a married couple.

“Ang hinihingi ko lang is konting panahon for his son but I’m happy for him kung sinabi niyang first and last love niya si Abby,” paliwanag ni Aiko.

Meanwhile, dapat abangan ang Mano Po: The Flower Sisters kung saan makikipagtagisan ng acting si Aiko kay Beauty Gonzales. Ronnie Carrasco III