Aiko, hindi pa handang magka-apo!

Aiko, hindi pa handang magka-apo!

July 6, 2021 @ 4:47 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Beinte dos anyos na si Andrei, ang anak ni Aiko Melendez kay Jomari Yllana.

Kung tutuusin, for Andrei’s age ay puwedeng-puwede na itong magkanobya.

Pero para kay Aiko, mas gusto niyang mag-focus muna ang anak sa career nito, “Love can wait.”

Kung kontra si Aiko sa pagkaaroon ni Andrei ng girlfriend, all the more na hindi raw niya matatanggap na may babaeng maanakan ito, “It’s a blessing pero hindi pa ‘ko handang magkaapo. Aatakihin ako pag nag-uwi siya ng baby sa bahay.”

Mahigpit kasing bilin ni Aiko sa anak, ituring daw nitong blessing ang pagkakaroon ng showbiz career ngayong pandemya kung kailan marami ang walang trabaho.

At dahil 24/7 naman daw siyang bantay-sarado sa anak kung kaya’t imposibleng gumawa ito ng milagro. Ronnie Carrasco III