Aiko Melendez, may natutunan sa pandemya!

Aiko Melendez, may natutunan sa pandemya!

April 8, 2021 @ 8:47 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Helping her fellowmen happens to be deeply ingrained in Aiko Melendez’s system.

Recently, she’s been able to dole out some help to the residents of Barangay Sta. Lucia, District 5 of Quezon City.

Special Concern Lockdown Area ang lugar kaya Aiko went out of her way to give some grocery items to the residents.

Mga 150 families raw o more or less ay mga 480 na tao ang kanilang nabiyayaan ng tulong na may kasamang isang supot na bigas, spaghetti, at mga canned goods.

Kaya raw doon nila napiling mamahagi ng tulong ay dahil sa taga-roon siya (District 5).

Malapit lang daw kasi sa kanya iyong lugar kaya ramdam niyang kailangan niyang tumulong.

Anyhow, Aiko was able to express her thanks in her Instagram account to those people who gave her some assistance so that she could offer some help to the people of Barangay Sta. Lucia.

“Pagpasensiyahan niyo na po ang nakayanan ko po at huwag po kayo panghihinaan ng loob sa mga nangyari at lagi ko pong ipinagdarasal na sana ay malampasan natin ng maayos at ligtas ang pagsubok na dumarating sa atin.

“Hindi po matatawaran ang katapangan at katatagan ng loob nating mga taga-Quezon City lalo na dito sa atin sa Distict 5.

“Kaya sumunod lang po tayo sa health protocol ng ating pamahalaan dahil para din po ito sa ating kaligtasan.

“Stay safe. God bless!”

Whatever, when asked through private messaging kung ano ang greatest lesson na kanyang natutunan ngayong panahon ng pandemya, ito raw ay ang habang may oras ka, ilaan mo ito sa mga taong mahal mo, lalo na’t di mo alam kung ano ang  mangyayari bukas.

Speaking of mga bagay na hindi niya nagawa bago mag-quarantine, ito ‘yung mga trabahong nakabinbin. Na dapat raw pala ay ginawa niya na bago mag-pandemic para sana ngayon, hindi nasayang iyong mga materyal nu’ng project.

“Like iyong three movie projects ko,” she asseverated, “kasi hindi ko akalain na

matatagalan pala bago ako makagawa uli.” Pete Ampoloquio Jr.


  •  
  •  
  •