Aiko, nagpa-retouch ng tattoo, inintriga!

Aiko, nagpa-retouch ng tattoo, inintriga!

October 27, 2022 @ 5:54 PM 1 month ago


Manila, Philippines- May katagalan na rin ang tattoo ni Quezon City 5th District Councilor Aiko Melendez sa kanyang kaliwang braso.

“Khonghun” ang nakasulat doon na apelyido ng kanyang kasintahang si Jay, Zambales representative.

At dahil nga nag-fade na ito ay ipina-retouch ‘yon ni Aiko.

Bale ba, naging “sexist” tuloy ang isyu dahil ayon sa aktres ay iba raw pag babae ang nagta-tattoo.

Magaan ang kamay at hindi gaanong masakit.

Ibinida ni Aiko ang retouched tattoo to the point of saying na hindi lang sa puso niya nakatatak ang congressman-boyfriend kundi sa balat din niya.

Well, what you can do for love nga naman.

Tanong lang ng mga nang-iintrigang netizens, sa mga past boyfriends daw ba ni Aiko’y naisip din niyang magpa-tattoo?

Si Jay daw ba’y may tattoo rin ng pangalan ni Aiko to profess how much he loves her?

Anyway, damay na rin sa pagpapa-retouch ng tattoo ni Aiko ang imbitasyon na tangkilikin ang Mano Po: The Flower Sisters which starts airing this October 31.

Kaabang-abang daw ang mga eksena nina Aiko at Beauty Gonzales amidst their confrontation scenes. Ronnie Carrasco III