Aiko, napraning sa Covid-19!

Aiko, napraning sa Covid-19!

December 1, 2020 @ 11:10 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Balik-taping na uli si Aiko Melendez sa “Prima Donnas” ng GMA 7.

Last November 27 kasi, noong umuwi siya mula sa ngaragang taping ay masama na ang kanyang pakiramdam. Pangangati ng lalamunan na sinamahan ng lagnat ang ininda niya.

Agad namang sumaklolo ang produksyon at pinasuri siya sa Assumption Hospital. Sumailalim si Aiko sa swab test.

Makaraan ang 45 minutes ay lumabas ang resulta nito: negative.

Ayon sa doktor na tumingin sa kanya, ang pagkawala ng kanyang panlasa ay dala ng tonsilitis. Nagkataong may sipon pa siya kung kaya’t hindi malasahan ng aktres ang pagkain nila sa set na paksiw na isda.

Ang pamamaga naman daw ng kanyang lalamunan ay sanhi ng kasisigaw niya sa mga eksena sa naturang teleserye.

Abut-abot ang pasasalamat ni Aiko sa staff ng GMA series dahil sa pag-asikaso sa kanya. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •  

Loading...