Aiko, sinabihang retokada!

Aiko, sinabihang retokada!

July 13, 2022 @ 8:32 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Napagkamalan ng isang netizen na produkto ng siyensiya ang maganda at matangos na ilong ni Aiko Melendez.

Kuwento ng aktres-pulitiko, nagpadala raw na mensahe ang isang  netizen.

Gandang-ganda ito sa ipinagawang ilong ni Aiko.

Tinanong pa nito ang aktres kung sinong doktor ang gumawa niyon.

Ani Aiko, gusto raw niyang mahulog sa kinauupuan niya.

At para makumbinsi ang netizen, nag-post si Aiko ng before and now pictures niya.

Obyus na sa mga larawang ‘yon ay walang nabago sa ilong ng aktres.

Kasingtangos pa rin ito ng ilong niya sa picture taken many years ago.

Hindi naman na-offend ang aktres, she just needed to show some proof to support her assertion.

Sa katunayan daw, Aiko has nothing against sa mga kapwa artista na sumasailalim sa cosmetic surgery, lalo’t kung makakatulong ito to make them look good and boost their confidence.

Sa kaso niya, wala raw dapat galawin sa ilong niya.

She’s happy with it, giit niya. Ronnie Carrasco III